2025 budget ng ICI, inilabas na

Kinumpirma ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Executive Director Atty. Brian Hosaka na inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang Notice of Cash Allocation ng fact-finding body nitong Biyernes, December 5.

Ayon kay Hosaka, makikipag-ugnayan sila sa LandBank of the Philippines (LBP) kung maaari na nilang magamit ang pondo.

Sa pagbibitiw ni ICI Commissioner Rogelio Singson, nabanggit nito na bukod sa kanyang health at security issues, isa sa kanyang concern ay ang kawalan ng pondo ng komisyon.


Una nang nilinaw ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na Setyembre pa lamang ay nailabas na ng DBM ang release order pero nagkaroon lamang ng delay dahil sa modified disbursement system.

Aabot sa P41 milyon ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa ICI hanggang sa katapusan ng 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *