2 patay sa pagbagsak ng helicopter sa Pililla, Rizal

Dalawa ang kumpirmadong patay sa pagbagsak ng isang helicopter sa Upper Barak, Barangay Quisao, Pililla, Rizal alas-7:27 kaninang umaga.

Dineklarang dead on arrival sa ospital ang isa, habang dead on site naman ang isa pa.

Ayon kay Pililla Mayor John Masinsin, lima ang sakay ng helicopter, kabilang ang dalawang dayuhan, na dinala sa Rizal Provincial Hospital para sa agarang lunas.

Sugatan naman ang piloto at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.

Dagdag pa ng alkalde, walang tinamaan na bahay sa pagbagsak ng helicopter at tinatayang nasa 50 metro ang layo ng crash site sa pinakamalapit na kabahayan.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang pinanggalingan at dapat na destinasyon ng helicopter, pati na rin ang dahilan ng pagbagsak nito. | via Allen Ibañez, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *