2 minor phreatic eruptions, naitala sa main crater ng Bulkang Taal

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng dalawang minor phreatic eruptions bandang alas-12:58 at 1:04 ng madaling araw ngayong Huwebes, December 4.

Tumagal ang mga ito ng tig-dalawang minuto batay sa seismic at camera records.

Lumikha ang mga pagputok ng plumes na umabot sa 1,200 metro ang taas bago tangayin ng hangin pa-timog kanluran.

Sa ikalawang pagsabog, namataan din ang naglalagablab na ballistic fragments na umangat nang humigit-kumulang 300 metro sa ibabaw ng lawa.

Nanatili sa Alert Level 1 ang Taal. Ibig sabihin, bawal pumasok ang sinuman sa permanent danger zone ng bulkan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *