Jackpot na milyon-milyon ang hahatiin ng dalawang suwerteng mananaya mula SM Davao City at SM Southmall, Las Piñas! Nakuha nila ang tamang kombinasyon sa Super Lotto 6/49 noong Martes ng gabi: 24-02-10-09-25-05 — kaya bongga ang premyong P22.4 milyon!
Ayon sa PCSO nitong Miyerkules, may isang taon ang mga nanalo para i-claim ang premyo sa PCSO Main Office sa Mandaluyong, basta’t may dalang winning ticket at dalawang valid ID. Pero take note—may 20% tax ang premyong higit P10,000.
Samantala, 68 ang nanalo ng P50,000 sa limang tamang numero, 2,283 ang may P1,200 sa apat na tama, at 26,072 ang may P50 sa tatlong tama.
Tandaan, ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo. Panawagan ni PCSO GM Mel Robles: Suportahan ang mga laro ng PCSO — dahil sa bawat taya, may natutulungan tayong nangangailangan! | via Allan Ortega | Photo via PCSO
#D8TVNews #D8TV