Nagsagawa ng buy-bust operation ang PNP-Drug Enforcement Group at Philippine Drug Enforcement Agency laban sa 2 katao na high-value individual sa Barangay Napindan, Taguig City.
Nangyare ang operasyon alas-8:20 ng gabi nitong Enero 31 kung saan naaresto ang mga suspek at nasabat ang 150 grams ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1,020,000.
Ayon kay Taguig City Police Chief, Col. Julius Añonuevo, ang pagkaka-aresto at pagkasabat ng shabu ay bunga ng pinaigting na operasyon kontra sa illegal na droga at matibay na ugnayan sa pagitan ng dalawang ahensya.
Giit pa ng opsiyal, magpapatuloy ang kanilang operasyon sa mga susunod na buwan para matiyak na ang bawat komunidad sa lungsod ay maging ligtas, maiwasan ang anumang karahasan at illegal na aktibidad.
Samantala, kasunod ng matagumpay na operasyon ng pulisya, pinuri naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang dedikasyon ng mga ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa lungsod at tiniyak ang mas matibay na ugnayan ng lokal na pamahalaan at pulisya laban sa mga krimen sa Taguig City. I via Allen Ibañez, D8TV News
