2 Criminology student ang patay sa isang milkteahan sa Bulacan

Patay ang dalawang criminology students matapos pagbabarilin habang nagmemeryenda sa isang milk tea shop sa Barangay Paradise 3. Kinilala ang mga biktima na sina Rey Allen Nevado De Jose, 20, at Jeric Castillo, 23, na parehong residente ng lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, isang lalaki na kinilalang si alyas “Randy,” residente ng Barangay San Roque, ang lumapit sa mga biktima at walang sabi-sabing pinaputukan sila sa ulo. Dead on the spot si De Jose, habang dead on arrival naman si Castillo sa ospital.

Lumabas sa CCTV footage na bago ang insidente, nagkaroon ng rambulan sa pagitan ng ilang kabataan malapit sa lugar. Ayon sa mga saksi, hindi sangkot ang mga biktima sa gulo at napagkamalan lamang sila ng suspek na ama umano ng isa sa mga kabataang kasali sa rambulan. Patuloy ang manhunt operation ng San Jose del Monte Police para madakip ang suspek. Hinimok ng mga awtoridad ang publiko na agad i-report ang anumang impormasyon na makakatulong sa ikalulutas ng kaso. | via Dann Miranda | Photo via PNP CSJDM BULACAN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *