18-year-old na babae, itinurong suspek sa Canada mass shooting

Isang 18-anyos na babae ang itinuturing na suspek ngayon sa isang malagim na mass shooting sa isang eskwelahan sa Canada.

Limang estudyante at isang guro ang nasawi sa pamamaril eskuwelahan sa mining town ng Tumbler Ridge, British Columbia.

Pinaniniwalaang ang suspek din ang pumatay sa kanyang ina at step brother sa kanilang bayan bago ito magtungo sa eskuwelahan.

Ayon sa pulisya, hindi pa malinaw ang motibo ng suspek na kalauna’y nagpakamatay gamit ang baril. Kilala raw ang suspek sa mga naunang insidente na may kaugnayan sa mental health.

Bilang pagdadalamhati, ibinaba sa kalahati ang mga bandila sa buong bansa sa loob ng pitong araw.

Inilarawan ni Prime Minister Mark Carney ang insidente bilang isang pambansang trahedya na nagdulot ng matinding dalamhati sa Canada. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *