Ligtas na nakauwi ang 17 marinong Pilipino lulan ng MV Magic Seas nitong nagdaang July 11 at 12 matapos atakihin kamakailan ng rebeldeng grupo na Houthis habang binabaybay ang Red Sea ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, sisiguraduhin ng kanilan ahensya na mapaparating ang nararapat na tulong sa kanila.
“Magaling kayo at magigiting. May AKSYON FUND tayo para magbigay ng tulong at suporta sa inyo, pero hindi ’yan ang pinakamahalaga. Ang mahalaga ay nakauwi kayo ng ligtas,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa kalihim, magbibigay din ng libreng medical check-up at psychosocial counseling ang mga marinong napauwi ng bansa.
Aside from our immediate financial assistance and reintegration services, all the seafarers will be also provided with medical check-up, kabilang ang physical at mental health assessments, gayundin sa psychosocial counseling upang matulungan silang makabawi mula sa mga hamon sa ibang bansa,” ani Cacdac. | via Florence Alfonso | Photo via DMW
#D8TVNews #D8TV