16 tauhan ng DPWH, pinatawan ng preventive suspension

Pinatawan ng 6-month preventive suspension without pay ang 16 na opisyal at empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineering Office.

Kasunod ito ng kautusan ng Office of the Ombudsman matapos magsampa ng reklamo si DPWH Secretary Vince Dizon sa ilang kawani ng ahensya noong Lunes, September 15 at pagsusumite ng karagdagang fraud audit report ng Commission on Audit (COA) sa mga umano’y maanomalyang flood control projects sa bayan ng Plaridel, Pandi, at Bocaue sa Bulacan.

Tinatayang aabot sa ₱389.6 milyon ang kabuuang pondo ng mga naturang proyekto na nakitaan ng iregularidad.

Epektibo ang suspensyon nitong Huwebes, September 18, para mapanatili ang integridad sa isinasagawang imbestigasyon ng pamahalaan sa isyu ng flood control projects sa bansa. | via Alegria Galimba, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *