16, patay sa wildfire sa Chile; “state of catastrophe,” idineklara

Hindi bababa sa 16 na katao ang kumpirmadong nasawi at mahigit 20,000 ang inilikas sa dalawang rehiyon sa Chile sa South America.

Idineklara ang ‘state of catastrophe” sa mga rehiyon ng Nuble at Biobio, mga 500 kilometro sa timog ng kabiserang Santiago.


Pinakamapanganib ang sunog na dumaan sa mga tuyong kagubatan malapit sa baybaying lungsod ng Concepción, kung saan mahigit dalawandaang bahay ang natupok.

Makikita rin ang mga nasunog na sasakyan sa mga kalsada.

Ayon sa kanilang forestry agency, may 24 na aktibong sunog sa buong bansa at umabot na sa 20,000 ektarya ang apektadong lupain.

Pinalalala ng malalakas na hangin at matinding init ang sunog.

Dalawang taon na ang nakalipas, mahigit 120 katao rin ang nasawi sa sunog sa rehiyon ng Valparaíso, patunay sa lumalalang epekto ng matagal na tagtuyot sa Chile.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *