Naresolba na ng pamahalaan ang tinatayang 15,000 backlog na kaso na may kaugnayan sa mga reklamong inihain laban sa mga pulis.
Ito ang inihayag ni Interior Sec. Jonvic Remulla sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay.
Ayon kay Remulla, nang kanyang simulan ang pamumuno sa Department of the Interior and Local Government (DILG), nadatnan niya ang libu-libong kasong matagal nang hindi naaaksyunan.
Sa loob aniya ng mahigit isang taon ng pagpapatupad ng mga reporma at mas pinaigting na supervision, tuluyan nang na-clear ang nasabing backlog.
Dagdag pa ng kalihim, target na ngayon ng pamahalaan na maresolba sa loob ng 60 araw ang anumang reklamong isinasampa laban sa mga pulis upang mapabilis ang proseso at higit na mapalakas ang pananagutan sa hanay ng kapulisan. | via Felix Laban, D8TV Stringer
