Pasabog ang COMELEC sa bilis ng canvassing ng mga boto! Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, 159 sa 175 Certificates of Canvass (COCs) ay natapos na agad bilangin sa loob ng dalawang araw lang!
Martes ay 58 COCs ang na-canvass, at 101 naman ang nadagdag kahapon, Miyerkules. Pinakamabilis at pinakamarami sa kasaysayan ng halalan sa Pinas!
16 COCs na lang ang natitira at tatapusin ito ngayong Huwebes sa Manila Hotel Tent City.
Ayon kay COMELEC Chair George Garcia, inaasahang iproproklama na ang mga nanalong senador at party-list ngayong weekend — maaaring Sabado o Linggo.
“Buong proklamasyon ‘yan, walang partial-partial!” sigaw pa ni Chair Garcia. | via Allan Ortega | Photo via PNA/Yancy Lim
#D8TVNews #D8TV