1,416 Pinoy sa Mideast, humiling ng repatriation

Mahigit 1,400 Filipinos sa Middle East ang humiling ng repatriation dahil sa tumitinding labanan sa pagitan ng Israel, United States at Iran, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ayon sa ulat, 586 ang nasa Dubai, 297 sa Israel, 270 sa Abu Dhabi, 231 sa Bahrain, 22 sa Jordan, at 10 sa Iran ang humiling ng repatriation.

Ani ng Pangulo, sa ngayon ay hindi posible ang air evacuation dahil sa saradong paliparan at no-fly zones, at delikado rin umano ang land evacuation sa gitna ng labanan.

Pinayuhan ang mga Filipino na manatili sa malapit sa bomb shelters at sundin ang payo ng kanilang host government.

“Shelter-in-place and follow the host government’s advice. Iyon ang magiging pinakamahalagang impormasyon dito,” -Pres. Marcos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *