13 sugatan sa sunog sa condo sa Quezon City

Nasunog ang isang condominium sa Barangay Talipapa, Quezon City kahapon September 22.

Nagsimula ang sunog sa isang kwarto sa ikawalong palapag ng Shanata Condominium bandang 4:56 a.m. at umabot hanggang third alarm, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Wala namang nasawi pero 13 katao, edad 29 hanggang 78, ang nasugatan at karamihan ay nakalanghap ng usok.

Agad itong naapula alas-6:28 ng umaga sa tulong ng 15 firetrucks at ilang ambulansya. Patuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang sanhi ng sunog. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo Courtesy of Zeus Fire and Rescue Brigade Inc./Fire and Rescue Alert Responders

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *