Isinusulong ngayon ng isang lokal na historyador sa Antique ang pagdeklara ng isang 127-taong gulang na watawat ng Pilipinas bilang pambansang yaman.
Ayon kay dating bokal at historyador Errol Santillan, nakikipag-ugnayan na siya sa National Historical Commission of the Philippines at humihingi rin ng resolusyon mula sa Sangguniang Panlalawigan upang kilalanin ito bilang mahalagang pamana ng kasaysayan at kultura.
Ang naturang watawat ay pagmamay-ari ng pamilya ni 2Lt. Ruperto Abellon, na naging pangalawang pinuno ng pwersa sa Visayas sa ilalim ni Gen. Leandro Fullon noong rebolusyon at digmaan kontra Amerika.
Ikinuwento ng apo ni Abellon na ang watawat ay mula pa raw sa Hong Kong at dinala ni Gen. Aguinaldo pagbalik niya sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898.
Ang bandilang ito, na unang iwinagayway sa Libertad, Antique, ay may sukat na 53 by 93 inches at gawa sa espesyal na tela, taglay ang klasikong disenyo โ pula, puti, bughaw, at tatlong bituin para sa Luzon, Visayas, at Mindanao. | via Allan Ortega | Photo Courtesy of Errol Santillan
#D8TVNews #D8TV
