12,000 na pulis, ide-deploy sa November 30 anti-corruption rally

Magtatalaga ng 12,000 na pulis ang Manila Police District bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng tao sa ikalawang anti-corruption rally sa Maynila sa Nobyembre 30, 2025.

Ayon kay Police Major Philipp Ines, bukod sa mga pulis mula MPD, magpapadala rin ng karagdagang pwersa mula sa Region 1, Region 3, Region 4A, Cordillera Administrative Region, at mga unit sa ilalim ng National Capital Region Police Office.

Makakatulong umano ang additional personnel sa pagpapanatili ng seguridad sa mga lugar na kritikal tulad ng Mendiola at Malakanyang at mga daanang maaaring magsikip ang daloy ng trapiko.

Naghihintay pa ng final approval ang MPD sa mga rerouting at road closure advisories.

Payo ng mga otoridad, magbaon ng mahabang pasensiya, lalo na ang mga motorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *