11 vice mayors na stranded sa Dubai, pauwi na

Pauwi na ng Pilipinas ang labing-isang vice mayor mula sa Bulacan na na-stranded sa Dubai matapos sumiklab ang tensyon sa Middle East.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, nakakuha na ng flight tickets ang mga opisyal upang magbalik-bansa.

Nilinaw ng kalihim na may travel authority ang mga vice mayor mula sa DILG at bumiyahe sa kanilang personal na kapasidad.

Samantala, nilinaw rin ni Remulla na ang isang mayor na naunang iniulat na na-stranded sa Dubai ay hindi naman umalis ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *