Umabot sa 109 na pulis ang pumasa sa 2025 Bar Examinations, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Pinuri ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga bagong abogado sa hanay ng kapulisan, at sinabing mas naging makabuluhan ang kanilang tagumpay dahil nagawa nila ito habang patuloy na nagsisilbi sa publiko.
Ayon kay Nartatez, ang pagpasok ng mga pulis na abogado ay magdadala ng mas malalim na kaalaman sa batas sa loob ng PNP, na makatutulong upang mas mapalakas ang integridad at kredibilidad ng organisasyon sa paglilingkod sa mamamayan.
Samantala, inanunsyo ng Korte Suprema na 5,594 mula sa 11,420 na kumuha ng Bar exam sa buong bansa ang pumasa ngayong taon katumbas ng 48.98 porsiyentong passing rate. | via Allan Ortega
