1,018 na special permit ng bus ang ibinigay para sa Holy Week

Naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng hanggang 1,018 special permits para sa mga pampublikong bus bilang paghahanda sa dagsa ng pasahero ngayong Holy Week. Valid ang mga permit mula April 11 hanggang 27, para tiyaking mas maraming bus ang makakabiyahe papunta at pabalik ng mga probinsya.


Nagbabalala ang LTFRB na huwag sumakay sa mga kolorum na sasakyan—hindi ito dumaan sa inspeksyon at walang insurance! Para sa reklamo, tumawag sa hotline 1342 o mag-email sa complaints@ltfrb.gov.ph.


Samantala, ikinatuwa ni Sen. Grace Poe ang hakbang ng Department of Transportation (DOTr) na payagang bumiyahe ang mga unconsolidated jeepneys kahit tapos na ang deadline ng PUV Modernization Program. Ayon kay DOTr Sec. Vince Dizon, puwedeng bumiyahe ulit ang mga jeep kung susunod sila sa mga bagong patakaran. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *