100 Pinoy, naghihintay na mailigtas sa Cambodia scam hubs

Nasa 100 Pilipino ang naghihintay ngayong mailigtas ng Cambodian police mula sa mga tinaguriang scam hubs ng bansa.

Ayon sa Philippine Ambassador to Cambodia, maaaring tumaas pa ang bilang ng mga nabiktima ng scam hubs sa 500.

Nagsagawa ng crackdown kamakailan ang Cambodian authorities sa scam centers sa Kampot Province, Bavet City, at Poipet City.

Sa mga ginibang scamming compounds na ito sapilitang pinagtatrabaho ng mga sindikato ang mga banyagang pinangangakuan ng sweldong 1,000 dolyar kada buwan.

78 Pinoy ang ni-rescue sa lugar noong isang taon.

Karamihan sa kanila, kinuha bilang customer service agents at chat support group workers pero ginamit lamang na scammer ng mga sindikato.

Ilan pang mga Pilipino sa Cambodia ang naiipit naman ngayon sa tumitinding hidwaan ng Cambodia at Thailand.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *