10 taong extension ng Maynilad at Manila Water, aprubado na ni Marcos

Nilagdaan na ang 10-taóng extension ng concession agreement ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc., sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ginanap na unang pagpupulong ng Economic Development Group (EDG).

Tatagal ang pinalawig na kontrata hanggang Enero 21, 2047, mula sa orihinal nitong pagtatapos na Hulyo 31, 2037.

Binigyang bisa ng EDG Council ang panukala ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na patagalin ang pagtatapos ng kontrata ng dalawa sa pinakamalaking water-service provider sa Metro Manila at mga karatig nitong probinsya upang patuloy itong makapagbigay ng malinis at accessible na tubig.

Kasabay ng pagpupulong, inaprubahan na rin ang dalawang pang major infrastructure projects, ang P27.7B Farm-to-Market Bridges Development Program para sa mas mabilis na paghahatid ng mga produkto ng mga magsasaka, at ang P5.1B Liloan Bridge Construction Project na inaasahang magpapaunlad sa rehiyon ng Southern Leyte. | via Clarence Concepcion | Photo via PCO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *