Dinagdagan pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang listahan ng mga gamot na hindi na papatawan ng buwis.
Sa inilabas na Revenue Memorandum Circular No. 62-2025, 10 pang gamot para sa cancer, diabetes, high cholesterol, hypertension at mental illness ang inalisan ng value-added tax (VAT).
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ito ay bilang pakikiisa ng kagawaran na gawing mas abot-kaya ang mga gamot para sa mga Pilipino.
Ang gamot para sa cancer na Tegafur + Gimeracil + Oteracil Potassium at Metformin Hydrochloride + Teneligliptin para naman sa diabetes ay VAT-exempted na.
VAT-exempted na rin ang gamot na Atorvastatin + Fenobribrate para sa high cholesterol at Metropolol tartrate + Ivabradine para naman sa hypertension.
Maging ang Lamotrigine na gamot para sa mental illness.
Ang VAT exemption ay alinsunod sa Republic Act No. 10963, o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, at Republic Act No. 11534, o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
#D8TVNews #D8TV