1 patay sa gulo sa BF Resort Village Clubhouse

Patay ang isang security guard habang 10 pa ang sugatan sa naganap na gulo sa clubhouse ng BF Resort Village Homeowners Association Inc. (BFRVHAI) nitong Miyerkules ng umaga, March 4.

Ayon kay BFRVHAI President Euan Toralballa, isang 47-anyos na babae ang nasawi habang higit 30 sheriffs ang nagtangkang ipatupad ang court order para sa turnover ng clubhouse at security office, kaugnay ng alitan sa pamunuan ng asosasyon.

Batay sa paunang imbestigasyon, nawalan ng malay ang biktima at bumagsak sa gitna ng kaguluhan. Ayon sa ilang kamag-anak, natapakan siya bago dinala sa ospital kung saan idineklara siyang walang buhay.

Sugatan din ang ilang miyembro ng asosasyon at nasira ang ilang bahagi ng clubhouse.

Ayon sa ilang residente, may pinansyal na motibo umano ang takeover, ngunit itinanggi ito ni Jose Deo Aguinaldo ng BF Resort Village Talon Homeowners Association Inc..

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at ang pagkamatay ng security guard. | via D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *