Nasabat ang isang kilo ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Sinunuc.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 9, nahuli ang suspek na si alyas “Almisal” matapos bentahan ng droga ang isang poseur-buyer. Ang kontrabando, itinago pa sa isang gintong tea pack na may tatak na “Guanyinwang.”
Tinatayang aabot sa mahigit anim na milyong piso ang halaga ng shabu na nakuha, isa itong malaking dagok sa operasyon ng sindikato sa rehiyon.
Sa ngayon, ang suspek ay nakakulong sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, tiniyak ng PDEA na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya kontra droga upang wasakin ang mga pinagmumulan ng iligal na droga sa Zamboanga at maging sa mga karatig bayan. | via Ghazi Sarip
