1.4K na mga pulis ang magbabantay sa mga biyahero ngayong summer sa Central Luzon

Todo-bantay ang 1,484 pulis sa Central Luzon para siguraduhin ang ligtas na biyahe ngayong summer at Lenten season, ayon sa PRO3 nitong Miyerkules.
Ayon kay PRO3 Director Brig. Gen. Jean Fajardo, ito’y utos mismo ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil para palakasin ang seguridad sa bakasyon. Bukod sa pulis, may 602 police assistance desks ding itinalaga para sa agarang responde.
“Nakabantay kami para pigilan ang krimen at gawing ligtas ang summer ng publiko,” ani Fajardo.
Katuwang ng PRO3 ang LGUs, gobyerno, at pribadong grupo para patibayin ang seguridad. May mga assistance hubs sa mga pangunahing kalsada, habang ang HPG ay may road safety marshals para iwas-trapiko.
Mas pinaigting din ang presensya ng pulis sa lansangan kasama ang advocacy support groups.
“Tulong-tulong tayo para sa ligtas at masayang SUMVAC 2025!” ani Fajardo. | via Lorencris Siarez | Photo via PRO3

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *