Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ₱95 million na nakalaaan sa pagbangon ng ilang bayan sa Negros Occidental na lubhang naapektuhan ng Bagyong Tino.
Ito ang inanunsyo ni Tourism Secretary Christina Frasco kasama si Education Secretary Sonny Angara bilang kinatawan ni Pangulong Marcos sa pagbibigay-ayuda at on-ground-assessment.
Isasagawa umano ang presidential assistance sa pamamagitan ng mga Local Government Unit (LGU) upang mapaigting ang pagtulong sa mga lugar.
Kabuuang ₱50 million ang nakalaan para sa lalawigan ng Negros Occidental, ₱10 million bawat isa sa Carlota City, La Castellana at Moises Padilla, ₱5 million naman bawat isa sa Binalbagan, Isabela at Hinigaran. | via Ghazi Sarip
