₱7-M halaga ng ecstasy, nasabat sa Clark

Dalawang parcel na naglalaman ng higit apatnalibong tablets ng ecstasy na nagkakahalaga ng P7 milyong ang nasabat ng Bureau of Customs sa Clark kahapon.

Dumating ang mga parcel mula Austria at patungo sanang Davao City pero natukoy itong kahinahinala nang sumailalim sa x-ray machine ng Clark International Airport.

Ang operasyon ay isinagawa kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency–Airport Interdiction Unit at sinaksihan ng Philippine National Police.

Lumabas na positibo sa illegal chemicals ang mga tablet sa paunang pagsusuri gamit ang PDEA test kit at BOC spectrometer.

Susuriin pa sa laboratoryo para kumpirmahin ang sangkap, na pinaniniwalaang MDMA, na labag sa Republic Act 9165.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *