₱6.793-T national budget para sa 2026, pasado na sa Kamara

Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 4058 o ang panukalang P6.793-trillion national budget para sa 2026 nitong Lunes, October 13.

Ito’y matapos pagbotohan ng mga kongresista, kung saan 287 ang pabor, 12 ang tutol, at 2 ang nag-abstain.

Ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, ang pagpasa sa 2026 national budget ay hangarin na maging mas “transparent, accountable, at service-oriented.”

“Maaaring hindi perpekto ang ating badyet, ngunit ito ay malinaw na simula ng bagong hamon sa ating paglilingkod —ang unang hakbang sa ating paglalakbay tungo sa isang tunay na Badyet ng Bayan: Bukas at Tapat sa Sambayanan. Isang badyet na ginawa sa liwanag, hindi sa dilim, na pinagtuunan ng sapat na oras at nangibabaw ang puso at ang ating isip, at hindi ang pansariling interes,” aniya.

Pinuri ni Dy ang kanyang mga kapwa mambabatas sa pagtutulungan sa pagbuo ng budget at pinasalamatan naman ang Committee on Appropriations sa pangunguna ni Chairperson Mikaela Suansing.

Matatandaang nakapasa sa ikalawang pagbasa ang panukala noong October 10 kung saan ibinaba ang proposed 2026 budget ng Office of the Vice President sa P733.2-million mula sa P889.24-million, at tinanggihan ang mungkahing ibasura ang unprogrammed appropriations. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *