Mahigit ₱54.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Naga City, Cebu.
Arestado ang isang target-listed drug personality at tatlo pa nitong kasabwat.
Ikinasa ang operasyon ng PDEA Cebu Provincial Office at PDEA Region 7 katuwang ang lokal na pulisya at iba pang ahensiya ng gobyerno.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang walong pakete ng shabu na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 8 kilo, buy-bust money, ilang ATM at ID cards, pitong cellphone, at isang apat-na-gulong na sasaskyan.
Ayon sa batas, ang pagbebenta ng ilegal na droga ay isang non-bailable offense at may katapat na habambuhay na pagkakakulong at multang ₱500,000 hanggang ₱10 milyon, anuman ang dami o kalidad ng droga. | via Allan Ortega
