₱5.3-M halaga ng cocaine, narekober ng mangingisda sa Cagayan

Tinatayang aabot sa ₱5.3 milyon na halaga ng hinihinalang cocaine ang nakuha sa karagatang sakop ng Barangay Dilam sa Calayan.

Nadiskubre ng isang mangingisda ang isang plastic ng hinihinalang cocaine na may tatak na “coca racing.”

Agad namang kinuha ng mangingisda ang nasabing kontrabando at isinuko sa awtoridad.

Sa ngayon ay dinala na sa mainland Cagayan ang naturang kargamento para isailalim sa chemical analysis. | Photo Courtesy: PDEA Region 2

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *