₱39.3-M halaga ng smuggled na sigarilyo at tabako, nasabat ng BOC

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa ₱39.3 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo at pinatuyong tabako na patungong Maynila.

Isinagawa ng operasyon matapos makatanggap ng intelligence information ang BOC at isinailalim sa inspeksyon ang anim na container van mula Zamboanga at Bacolod sa Sub-Port ng North Harbor.

Dito natuklasan ang iba’t ibang brand ng sigarilyo at mga sako ng tabako na idineklara bilang dried fish at general merchandise.

Wala umanong BIR tax stamps, graphic health warnings, at tamang markings ang mga produkto, kaya naglabas ng warrants of seizure and detention ang BOC para sa paglabag sa mga batas sa customs at buwis.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, patuloy na paiigtingin ng ahensya ang kampanya laban sa smuggling upang mapigilan ang pagpasok ng mga iligal na produkto sa merkado. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *