Mahigit ₱3.9 milyong halaga ng mga halamang marijuana ang nasira matapos sunugin ng mga awtoridad sa isang magkasanib na operasyon sa Sitio Batangan, Tacadangan, Kibungan, Benguet noong Enero 9, 2026.
Pinangunahan ang operasyon ng PDEA-Cordillera, katuwang ang NBI-CAR, PRO-CAR Benguet Provincial Police Office-PDEU, Benguet Highway Patrol Group, at Kibungan Municipal Police Station.
Sa isinagawang clearing operation, natuklasan ang apat na plantasyon ng marijuana na sumasaklaw sa humigit-kumulang 2,050 square meters. Tinatayang 19,900 piraso ng mga halamang marijuana ang binunot at agad na sinira sa mismong lugar, alinsunod sa itinakdang proseso ng drug destruction.
Walang naaresto sa operasyon. Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang may-ari ng lupa at ang mga responsable sa ilegal na pagtatanim. | via Allan Ortega
