Nasabat ng Bureau of Customs-NAIA, kasama ang PDEA at iba pang ahensya, ang halos labinlimang pisong halaga ng high-grade marijuana o kush sa Terminal 3 ng NAIA sa Pasay City.
Isinagawa ang operasyon noong November 28, 2025, kung saan natuklasan sa isang bagahe ang labingwalong vacuum-sealed pouches na naglalaman ng halos sampung kilo ng tuyong dahon na hinihinalang kush.
Agad na kinumpiska ang kontrabando bago pa ito makalabas ng paliparan.
Ayon kay NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa, tuloy-tuloy ang kanilang paghihigpit at wala umanong lusot ang sinumang magtangkang gamitin ang mga paliparan para magpuslit ng droga.
