₱138-B na mga proyekto ng DPWH, delayed; ₱1.9-B, kumpleto pero depektibo

Higit ₱138 billion na mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang hindi maayos na naipatupad, batay sa ulat ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa 2024 audit report ng ahensiya, 1,435 proyekto na nagkakahalaga ng ₱77.4 billion ang hindi natapos sa takdang oras, 523 proyektong nagkakahalaga ng ₱33.6 billion ang nasuspinde, 491 proyekto na nagkakahalaga ng ₱19.2 billion ang may malaking slippage.

Mayroon namang 114 proyektong nagkakahalaga ng ₱6.72 billion ang hindi pa nasisimulan habang 33 proyekto na nagkakahalaga ng ₱1.29 billion ang tuluyang na-terminate.

Napag-alaman din ng ahensya na ₱1.9 billion halaga ng mga proyektong idineklarang 100% complete ay natagpuang depektibo matapos ang aktwal na inspeksyon.

May mga proyekto naman sa mga lugar gaya ng CAR, MIMAROPA, Western Visayas, at Northern Mindanao na hindi pa tapos pero fully paid na.

Pananagutin umano ng COA ang mga tiwaling contractor. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *