Matagumpay na naisagawa ang buy-bust operation ng pinagsamang puwersa ng PDEA at PNP sa Quezon Memorial Circle, Brgy. Central, Quezon City noong Enero 11, 2026, bandang alas-9 ng gabi.
Narekober ang 2 kilo ng shabu na may halagang ₱13.6 milyon, isang pulang Toyota Vios, at dalawang Android phones na ginamit umano sa transaksyon.
Naaresto ang dalawang suspek na sina JP, 44, residente ng Sta. Ana, Maynila, at Kimmy, 22, residente ng Riverside, San Jose. Sila ay haharap sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11 kaugnay ng Seksyon 26 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Ayon kay PDEA Director General Isagani R. Nerez, ang operasyon ay nagpapakita ng matibay na pangako ng gobyerno na protektahan ang komunidad at labanan ang ilegal na droga bilang bahagi ng whole-of-nation approach sa ilalim ng Bagong Pilipinas. | via Allan Ortega
