₱114.5-M halaga ng shabu nasamsam sa NAIA, tatlo arestado

Halos 17,000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P115 million ang nasamsam ng mga otoridad sa isang operasyon sa Pasay.

Nagsagawa ang mga awtoridad ng interdiction operation sa Pair-Pags Center, NAIA Complex, Pasay City kung saan nadiskubre ang shabu na nakatago sa loog ng mga figurine, batong marmol at mga tissue.

Animnapu’t anim na plastic bag ang kabubuang bilang ng nasamsam na droga.

Tatlo ang arestado, kabilang ang isang senior na broker.

Idineklarang mga damit at precious stones ang mga parcel pero naghinala ang mga otoridad ng idaan ang mga ito sa x-ray.

Ang tatlong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga otoridad at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *