₱1-M pabuya sa makapagtuturo sa gunman sa pagpatay sa pulis sa Bulacan

Isang milyong pisong pabuya–iyan ang alok ni Interior Sec. Jonvic Remulla sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng gunman at anim na iba pang suspek sa pagpatay sa isa ring pulis sa Bulacan.

Hinahanting ngayon ng mga operatiba si Julian Salamat, ang sinasabing pumatay kay Police Staff Sgt. Renato Casauay, Jr. ng PNP Drug Enforcement Group-Special Operations Unit 3.

Huling nakitang buhay si Casauay kasama ang gunman at siyam na iba pa sa isang bahay sa Baliuag, Bulacan.

Napikon umano si Salamat sa isang biro ni Casauay sa pagtitipon.

Sa ngayon, 4 na suspek na ang hawak ng mgsa otoridad, kasama ang isang pulis na bigong umakto sa reklamo at hindi inaresto ang gunman. | via Allen Ibañez, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *